-- Advertisements --

CEBU CITY – Kinumpirma ni Department of Health (DOH)-7 spokesperson Dr. Mary Jean Lorreche na wala nang mass testing sa Central Visayas.

Ayon kay Loreche sa panayam ng Bombo Radyo Cebu, karamihan sa mga may coronavirus ngayon ay mga locally stranded individuals at mga trabahante na kanilang tinututukan.

Ito ay upang masigurong mahigpit ang health and safety standards ng mga business establishments para sa kaligtasan ng kanilang mga empleyado.

Gayunman, ngunit hinikayat nito ang publiko na kusang magpa-test kung may nararamdaman at huwag matakot.

Nilinaw din ng tagapagsalita ng ahensya na kahit nasa modified general community quarantine na ang Cebu City, at general community quarantine naman sa iba pang area ng rehiyon, natuto na ang mga tao sa mga health practices.

Binigyang-diin naman ni Loreche na patuloy pa rin ang contact tracing kaya hinimok nito ang publiko na magseryoso sa paglagay ng mga impormasyon sa mga contact tracing sa forms para mapadali ang paghahanap ng mga posibleng nahawaan ng sakit.

Base sa latest case bulletin ng DOH-7 as of September 13, 2020, 64 ang bagong nadagdag sa coronavirus cases kung saan 1,549 nalang ang aktibo mula sa kabuuang 19,772 cases.

Wala namang nadagdag sa death toll.