-- Advertisements --
sudan

Inaareglo na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang posibleng mass repatriation ng mga Pilipino at hindi na lamang kada indibidwal o pamilya doon sa Sudan.

Ito ay sa gitna na rin ng napaulat na looting o nakawan sa mga kabahayan ng mga dayuhan dahil sa may mga pera ang mga ito bunsod ng nagpapatuloy na labanan sa Sudan.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, nasa 110 Pinoy mula sa Khartoum ang tumawag na sa Philippine authorities para humiling ng tulong bagamat hindi lahat ay nais umuwi sa bansa.

Ilan aniya sa dahilan ay hindi pa naibibigay ng kanilang employer ang kanilang backpay.

May mga napaulat din na 17 Pilipino na pinasok umano ng mga miyembro ng RSF ang kanilang bahay ang nastranded sa pantalan ng Sudan sa nakalipas na 2 linggo habang nagaantay ng kanilang repatriation flight.

Saad pa ni De Vera nagko-collapse na ang ekonomoya ng Sudan kayat pinapayuhan na ang mga Pinoy na umuwi na ng Pilipinas.

Sa datos ng ahensiya, nasa 748 Pilipino na sa Sudan ang bumalik na sa Pilipinas para tumakas mula sa labanan habang nasa 200 Pinoy pa ang nananatili sa nasabing bansa.

Matatandaan na noong kalagitnaan ng buwan ng Abril, sumiklab ang labanan sa Sudan sa pagitan nina Sudanese army chief Abdel Fattah al-Burhan at kaniyang dating deputy na si Mohamed Hamdan Daglo, ang commander ng paramilitary Rapid Support Forces (RSF) na ikinasawi ng 3,000 katao habang milyun-milyong mamamayan na rin ang na-displace.