Panahon na para magkaroon ng permanent rehousing sa Pilipinas kaysa naman temporary evacuation sa tuwing tatama ang kalamidad sa bansa, ayon sa beteranong ekonomista na si House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda.
Nakita na rin aniya noong manalasa ang Bagyong Yolanda at Odette na kahit ang mga evacuation facilities ay hindi rin resilient kaya dapat magkaroon na ng pabahay sa mga lugar na mas ligtas sa natural at geohazards.
Ayon kay Salceda, nang manalasa lang ang Bagyong Odette kamakailan ay nasa 560,000 bahay ang totally damaged.
“The way forward is to make sure that the houses themselves are safe, so that we don’t have to frequently resort to evacuation,” ani Salceda.
Kumpiyansa ang kongresista na posible ang pagkakaroon ng mass at permanent rehousing sa mas ligtas na lugar sa pamamagitan nang pinaghalong direct government-funded housing at paghimok na rin sa mga residente na pumayag sa relocation.