-- Advertisements --

Masisimulan na bukas ng Philippine Red Cross (PRC) ang mass testing sa ilang lugar sa Metro Manila na may malaking bilang ng mga infected ng COVID-19.

Ayon kay PRC chairman Sen. Richard Gordon, bukas darating yung kinakailangang piyesa para sa testing machines na kanilang binili.

Ilalagay ang ilan sa mga ito sa Mandaluyong City, habang may itatalaga rin sa lungsod ng Maynila.

Inaasahang 800 samples ang masusuri para sa bawat makina kada araw.