Ninanais umano ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na magsagawa ng mass blood tests para isailalim sa coronavirus screening ang mga Israeli.

Hindi naman malinaw kung ang blood tets na ito ay kinkailangang gawin ng lahat sa naturang bansa.

Naging maugong ang balitang ito sa kabila ng kabi-kabilang batikos na ibinabato kay Netanyahu patungkol sa kaniyang mga ginagawang hakbang para solusyonan ang pandemic.

Una nang ipinag-utos ni Netanyahu ang pagsasara ng mga korte, pag-apruba sa phone-surveillance technology sa general public at pansamantalang pagsuspinde sa lahat ng aktibidad ng parlyamento.

Dinepensahan naman ng prime minister ang mga nasabing hakbang matapos siyang akusahan ng kaniyang mga kalaban sa pulitika na hindi pagsunod sa democratic foundation ng Israel.

“The state of Israel must do two very important things right now: Deal with the coronavirus crisis from its health, economic and social perspective and at the same time preserve Israeli democracy,” saad ni Benny Gantz, katunggali ni Netanyahu at pinuno ng Blue and White Party.