LEGAZPI CITY – Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang Masbate dakong alas-8:03 ng umaga, na ramdam din sa ilang lugar sa Bicol at Visayas.
Natukoy ang sentro nito sa layong 5 kilometers sa Timog-Silangan ng Cataingan, Masbate.
Sa Earthquake Information Number 1 mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natukoy na ang naturang lindol ay may lalim na 1 kilometer, at tectonic ang origin.
Naramdaman naman ang lakas ng pagyanig sa mga sumusunod na lugar:
Intensity IV – Mapanas, Northern Samar; City of Legazpi, Albay; Lezo, Aklan
Intensity III – City of Iloilo
Intensity I – President Roxas, Capiz
Maging sa ilang lugar naitala ng mga instrumento ang lakas nito sa:
Intensity V – Masbate City, Masbate
Intensity IV – Palo, Leyte; City of Iloilo; City of Roxas, Capiz; Naval, Biliran;
Intensity III – City of Bago, Negros Occidental; Malinao, Aklan; Jamindan, Capiz; Ormoc City
Intensity II – Gumaca, Quezon; City of Sipalay, Negros Occidental; Valderrama, Antique; Sipocot, Camarines Sur; Talibon, Bohol; San Francisco, Cebu
Intensity I – Malay, Aklan; City of Gingoog, Misamis Oriental
Samantala, inaasahan naman ang posibleng aftershocks at pagkasira ng ilang ari-arian dahil sa lindol.