-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Matapos pinasinayaan ni Transportation Sec. Arthur Tugade nitong Setyembre, si Pangulong Rodrigo Duterte naman ang mangunguna sa programa sa Gensan Airport mamayang hapon.

Ang dati kasing Passenger Terminal Building ay ginawang triple ang lapad kung saan mula sa 4,029 square meters, ngayon ay 12,240 square meters na ito.

Kaya na nitong maka-accomodate ng dalawang milyong pasahero bawat taon, mula sa 800,000 lamang noon.

Maliban sa rehabilitation at expansion ng nasabing gusali, bisitahin din ng Pangulo ang bagong navigational aids ng Civil Aviation Authority of the Philippines at bagong administration building na pinondohan ng mahigit sa P950 million.

Titingnan din ni Duterte ang mas pinalaki na Port of Makar para naman sa komportableng mga aktibidad ng mga barko, cargo trucks at mga service providers.

Kasama ni Duterte na darating sa lungsod si Senador “Bong” Go na nakatakdang mamigay ng tulong pinansyal sa mga single parent.