Patuloy ang pag-arangkada ng mga programa ng Police Regional Office (PRO) sa Western Visayas sa pamumuno ni PRO-6 regional director Brig. Gen. Rene Pamuspusan.
Sa katunayan, nito lamang June 27 hanggang July 27 ng taon ay mahigit P23 million na halaga na ng shabu ang kanilang nakumpiska sa buong Western Visayas.
Batay sa datos mula sa PRO-6, lumalabas na ang bulto ng shabu at halaga nito ay ang nagmula sa Negros Occidental (P13.8 million) at Bacolod City (P9.2 million).
Samantala P162,653 ng halaga ng shabu ang nakumpiska naman mula sa mga lalawigan ng of Iloilo, Capiz, Aklan, Antique at Guimaras.
“Expect more confiscations. Bacolod City and Negros Occidental are the focus of our operation,” ani Lt. Joem Malong, ang spokesperson ng PRO-6.
Nabatid na si Pamuspusan ay opisyal na nanungkulan bilang PRO-6 sa rehiyon na director nito lamang June 27.
Samantala, sinabi ni Malong na-neutralized naman ang mga drug trafficker sa Iloilo at iba pang lalawigan sa Panay Island dahilan para bumaba ang suplay ng shabu na nakukumpiska.
Maging ang grupo ng nangungunang drug suspect Ernesto Bolivar na nanatiling at-large ay hirap na rin sa kanilang operasyon sa rehiyon dahil sa aktibong pagkilos ni Pamuspusan.
Nabatid na tatlo ng PRO-6 directors bago si Pamuspusan ang nagtangka na lansagin at hanapin ang grupo ni Bolivar pero sila ay nabigo.
Si Bolivar na ang pumalit sa puwesto bilang top target ng rehiyon matapos mapatay ang drug lord na si Richard Prevendido noong 2017.
Sinabi ni Malong, pangunahin sa prayoridad ng PRO-6 ngayon ay ang kampanya laban sa droga at pagdakip kay Bolivar.
“The goal is to sustain the gains of the PRO-6 in the revitalized campaign against illegal drugs, targeting the remaining drug personalities and groups in Panay and Negros islands, and these include Bolivar,” dagdag pa ni Malong.
Pinaniniwalaang “minion” daw ni Prevendido si Bolivar na lalo pang nagpalakas sa drug trafficking activities matapos masawi ang kanyang boss nang makipagbarilan sa mga noong September 1, 2017 sa Barangay Balabago, Jaro district sa Iloilo.
At para makaiwas na masakote, si Bolivar ay kumuha umano ng mga tauhan na hindi pamilyar sa mga otoridad ayon sa mga source.