-- Advertisements --
image 215

Posibleng mas mura ang maging presyo ng ticket sa eroplano sa Mayo matapos ianunsyo ng Civil Aeronautics Board nitong Lunes na ibababa nito ang lebel ng dagdag na singil sa gasolina ng airline sa susunod na buwan.

Sinabi ng CAB na ang fuel surcharge level sa Mayo ay bababa sa Level 5 mula level 6.

Maraming airline ang nagpapataw ng fuel surcharge upang mabawi ang mga gastos kapag tumaas ang presyo ng gasolina.

Ang anunsyo ng CAB ay nangangahulugan na ang fuel surcharge para sa mga domestic flight sa Mayo ay maaaring nasa P151 hanggang P542 depende sa distansya.

Samantala, ang fuel surcharges para sa international flights ay maaaring nasa P498 hanggang P3,703.

Nauna nang binawasan ng ahensya ang fuel surcharge level para sa buwan ng Abril hanggang Level 6 mula Level 5 noong Marso.

Ilang airline ang nagsabi na ang air travel demand ay nakabalik na sa pre-pandemic level kasunod ng pagluwag ng mga restriksyon mula sa COVID-19.