Tama ang ginawa ng private sector na imungkahi ang dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) dahil kung hindi ay mahaharap sa mas malaking hamon ang Pilipinas bunsod ng banta ng Delta coronavirus variant, ayon kay presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion.
Mas ninais aniya ng private sector na irekomenda sa pamahalan na Agosto ipatupad ang ECQ para maprotektahan ang fourth quarter ng mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) at mga malalaking kompanya.
Tuwing fourth quarter kasi madalas nakakabawi ng kanilang kita ang mga negosyante dahil natataon ito sa Christmas season, ayon kay Concepcion.
Kung hindi man kaagad kumilos ang pamahalaan, malamang sa malamang ay tatagal ng isa hanggang dalawang buwan ang ECQ kaysa dalawang linggo lamang.