-- Advertisements --

Asahan ang mas mataas na singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayon buwan ng Pebrero kasabay ng pagtataas ng household rate ng naturang power distributor.

Sa isang advisory, inanunsiyo ng Meralco na tinaasan nito ang singil ng kuryente sa 57.38 centavos per kilowatt-hour (kWh).

Bunsod nito, ang kabuuang overall rate para sa isang typical household ngayong buwan ay nasa P11.9168 per kWh, tumaas mula sa P11.3430 per kWh noong Enero ng taong kasalukuyan.

Katumbas ito ng P115 na pagtaas sa kabuuang bill sa kuryente ng isang residential custome na komokonsumo ng 200 kWh.

Paliwanag ng Meralco na ang pagtaas sa singil sa kuryente ngayong Pebrero ay bunsod ng pagtaas ng generation charge ng 45.52 centavos noong nakalipas na buwan na pangunahing dahilan ay ang mataas na halaga ng kuryente mula sa Independent Power Producers (IPPs) at Power Supply Agreements (PSAs).

Nakaambag naman sa pagtaas ng IPP at PSA charges ang pagtamlay ng halaga ng peso.