Nilinaw ng Department of Agriculture na hindi ang 100% rice self-sufficient ang target nilang makamit ngayong administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, 95% hanggang 97% na rice self-sufficiency ang tinarget ng kanilang ahensya, mula sa kasalukuyang 86% hanggang 88% na rice suffiency level ng bansa.
Ito ay bahagi ng layunin ng kagawaran na mapataas pa ang area devoted ng productivity ng palay sa bansa, gayundin ang maisaayos ang logistics nito.
Sa ngayon kasi aniya ay mas nakasentro sa efficiency at productivity ng palay at bigas ang DA upang masiguro na nasa maayos ang lahat.
Kung maaalala, nitong buwan ng Enero 2024 ay lumagda ang Pilipinas at Vietnam ng Memorandum of Understanding on Rice Trade Cooperation kung saan napagkasunduan ng dalawang bansa ang five-year trade commitment para mag-supply ng puting bigas sa mga pribadong sektor ng Pilipinas na mayroong 1.5 million to 2 million metric tons kada taon nang mayroong katumbas na abot-kayang halaga.