Kita sa food and beverage industry sa Pilipinas, posibleng tataas ng hanggang anim na porsyento ngayong taon-
Inaasahang lalo pang tataas ang kita sa food and beverage industry ng Pilipinas ngayong taon, batay sa projection ng United States Department of Agriculture (USDA)
Sa naging forecast ng nasabing ahensiya, maaaring aangat pa ng hanggang $35Billion ang kikitain ng Pilipinas ngayong taon, kumpra sa $33Billion noong nakalipas na taon.
Ayon sa United States Department of Agriculture, ang malakas na demand sa pagkain at alak ang isa sa mga nakikitang dahilan ng nasabing paglago.
Malaki rin aniya ang pangangailangan sa mga hotel at restaurants sa buong bansa na makabili ng bultuhang mga supplies, lalo na at patuloy ang paglago ng turismo, at iba pang aktibidad sa buong bansa.