-- Advertisements --

Asahan na raw na mas dadami pa ang bilang ng mga unibersidad na babalik na rin sa face-to-face classes sa School Year 2022-2023.

Sinabi ni Commission on Higher Education (ChEd) Chair Prospero de Vera na sa ngayon, nasa 313 universities ang nagpahayag na magbabalik na sa in-person classes sa susunod na school year.

Kakaunti pa lamang aniya ito sa ngayon, pero kapag mas nagluwag pa ang restrictions sa ibang lugar ay siguradong madadagdagan pa.

Ayon pa sa ChEd chair, asahan ang unti-unting pagdami nito sa unang semester ng school year 2022-2023.

Sa guidelines na inilabas ng Inter-Agency Task Force, pinapayagan dito ang mga higher educational institutions na magsagawa ng face-to-face classes gamit ang 100 percent classrooms’ capacity sa Alert Level 1 areas base na rin sa announcement ng Malacañang nitong Biyernes.