-- Advertisements --

Kailangan ng Pilipinas na madamihan ang supply ng oxygen para mas makapaghanda sakali mang magkaroon ng surge dahil sa Delta COVID-19 variant.

Nauna nang nagbabala ang DOH na posibleng magkaroon ng isa pang surge makalipas na magkaroon ng 11 local cases ng Delta variant sa Northern Mindanao, Metro Manila, Western Visayas, at Central Luzon.

Ayon kay DOH Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire, matagal nang naghahanda ang kagawaran para sa isa pang surge makalipas na maiulat ang sa India ang Delta variant.

Ang naturang variant ay sinasabing mas nakakahawa at mas mataas din ang posibilidad na maisugod sa ospital ang tatamaan nito.