-- Advertisements --
image 706

Tiwala si Philippine Ambassador to South Korea Teresa de Vega na lalo pang bubuhos sa Pilipinas ang mga turistang Koreano, bago matapos ang taon.
Karaniwan kasing naghahanap ng tropical country ang mga mamamayan ng Korea kapag panahon ng winter sa kanilang bansa.
Bago pa man ang pandemya ng COVID-19, South Korean na rin ang nangunguna sa listahan ng mga bisitang dayuhan sa ating bansa.
Umaabot ito sa 1.9 million o katumbas ng 24.08 percent ng total 8,260,913 tourists.
Bunsod nito, pinaigting pa ng mga sangay ng pamahalaan ang pag-promote ng turismo sa Pilipinas, partikular na ang kagawaran ng turismo at maging ang embahada sa Korea, para mapalakas pa ang industriya ng turismo sa ating bansa.
Pero lumalabas sa record na marami ring mga byaherong Pinoy ang nagtutungo sa South Korea para mamasyal.