Tiniyak ngayon ng isang senador na gagawa ito ng paraan para mapataas pa ang insentibo ng mga magbabalik na mga scientist dito sa bansa.
Kasabay nito, todo naman ang panawagan ni Senator Francis Tolentino para sa spirit of volunteerism at itinutulak ang pagbibigay ng mas maraming insentibo sa para mahimok ang mga scientist na bumalik sa bansa at dito magtrabaho.
Ito ay bilang suporta na rin sa plano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palakasin ang science and technology sa bansa.
Dahil dito, hinimok ni Tolentino ang Filipino scientists na tulugan ang development ng bansa pagdating sa science ang technology.
Nangako naman ang senador na gagawa ito ng paraan para makapaglikon ng mas maraming pondo, mga grant, scholarships, mas magandang pasilidada at iba pang research-related incentives.
Ito raw ang kanyang igigiit kapag siya ang magpi-preside sa Sub-committee ng Committee on Finance hearing sa 2023 budget para sa Department of Science and Technology (DOST) at 18 attached agencies nito.
Isasagawa ang pagdinig sa pondo ng DOST ngayong linggo sa Senado.
Kung maalala, kasabay ng pagdalo ng Pangulong Marcos sa Balik Scientist Program Annual Convention noong Biyernes, nagbigay ito ng direktiba sa DOST na gumawa ng paraan para magkaroon ng mas maraming insentibo ang mga Pinoy scientists.
Tampok naman sa Balik Scientist Program Annual Convention ang mga aktibidad, accomplishments, research contributions at ang mga latest sa iba’t ibang fields gaya ng agriculture, aquatics and natural resources, health, energy at ang mga umuusbong na mga teknolohiya.
Base sa record mula sa DOST, sa ngayon ay mayroon nang 67 returning scientists mula nang pumutok ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa noong 2020.