-- Advertisements --
Mas marami pang mga person deprived of liberty (PDLs) ang target na mapalaya ngayong buwan ng Oktubre mula sa Bureau of Corrections (BuCor) detention.
Sinabi ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida V. Rueda-Acosta na ang target date para sa pagpapalaya sa mga kwalipikadong inmates sa Oktubre 25 ng kasalukuyang taon na pangungunahan ni Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla.
Umaasa ito na malalagpasan ang bilang ng mga PDLs na napalaya noong Setyembre 13 na nasa 371 inmates.
Inihayag din ng PAO chief na bago matapos ang taong 2022 marami pa sa mga inmates ang mapapalaya at magiging fully prepared para sa rehabilitation at reintegration.