-- Advertisements --

poor working conditions ang mga rason kung bakit umaalis ang mga nurses sa bansa at nagtatrabaho sa ibayong dagat.

nurses

Asahan na raw ang pag-alis sa bansa ng mga Filipino nurses sa mga susunod na buwan para maghanap ng trabaho.

Ito ay dahil na rin sa mas niluwagang coronavirus border controls at mas agresibo na rin ang ibang bansa sa pag-hire ng mga nurses.

Dahil dito, nalalagay ngayon sa alanganin ang bansa sa pagtugon sa kakulangan ng sariling mga health care workers.

Kung maaalala, noong buwan ng Setyembre ay sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nais nitong taasan ang cap sa bilang ng mga nurses na papayagang pumunta sa ibayong dagat mula sa kasalukuyang 7,500 kada taon.

Pero kailangan din umano ng bansa na mapaganda ang oportunidad ng mga nurse sa bansa para hindi na sila maghanap ng trabaho sa ibayong dagat.

Ang ipinatupad na cap ay naging polisiya ng bansa noong 2020 para hindi umalis ang karamihan sa mga nurse matapos tumama ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Lumalabas na ang mga Pinoy nurses na fluent sa pagsasalita ng Ingles ang mataas ang demand sa ibayong dagat.

Sa katapusan ng 2021, nasa 310,000 sa 910,000 registered nurses sa bansa ang nagtatrabaho na sa ibagyong dagat ayon sa advocacy group na Filipino Nurses United at Health Department.

Nasa pagitan ng 13,000 at 22,000 nurses ang umaalis kada taon sa mga mas mayayamang bansa gaya ng Australia, Britain, Germany, Japan, Saudi Arabia at United States.

Pero noong 2020 at 2021, matapos ipatupad ang cap sa mga nurse, ang pinagsamang bilang ng mga nurses na nais magtrabaho sa ibayong dagat ay bumaba sa 16,391.

Habang ang bansa ay nangangailangan pa ng 100,000 nurses ayon sa Department of Health (DoH).

Ayon naman kay Philippine Nurses Association President Melvin Miranda, ang mababang sahod at poor working conditions ang mga rason kung bakit umaalis ang mga nurses sa bansa at nagtatrabaho sa ibayong dagat.