-- Advertisements --

Haharap ngayong Miyerkules, Mayo 20 ang mas marami pang personnel ng Senado sa Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kaugnay sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa naganap na putukan sa kapulungan noong Mayo 13.

Kabilang sa mga pinatawag o inisyuhan ng subpoena ay sina Senate Sergeant-at-Arms (OSAA) Officer-in-Charge Manuel Parlade, ang CCTV operator at iba pang tauhan ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA).

Matatandaang itinalaga si Parlade bilang office-in-charge matapos masuspendi ng anim na buwan si acting Sergean-at-Arms Mao Aplasca kasunod ng insidente ng pamamaril sa loob ng Senado.

Nitong Martes, nauna nang humarap sa mga imbestigador ang ilan sa mga ipinatawag na indibidwal bagamat tumanggi muna ang mga awtoridad na magbigay ng karagdagang mga detalye kaugnay sa isinasagawang paglilitis.

Nabigo naman si Aplasca na humarap sa mga imbestigador, base sa naunang kumpirmasyon ng Departmnet of the Interior and Local Government (DILG).

Patuloy naman ang pagsiyasat ng mga awtoridad sa CCTV footage at iba pang ebidensiya kaugnay sa insidente ng pamamaril sa Senado.