Ikinatuwa ng Department of human Settlement and Urban development ang lalo pang tumataas na bilang ng mga Local Government Units sa buong bansa na nagpapakita ng interest para sa libreng pabahay program ng pamahalaan.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, mahalaga ang partnership sa pagitan ng DHSUD at ng mga LGU dahil sa nangangahulugan itong bukas ang mga lokal na pamahalaan na makapagpatayo ng mga pabahay para sa kanilang mga constituents.
Ngayong linggo, natapos na rin ng DHSUD ang pagpirma sa Memorandum of Agreement kasama ang LGU General Santos at LGU Libungan, North Cotabato.
Ang dalawang LGU ang pinakahuling pumirma sa kasunduan kasama ang DHSUD para sa pagpapatayo ng mga murang pabahay para sa mga Pilipino.
Para sa LGU GenSan, ipapatayo doon ang hanggang sa 1,500 housing units para sa mga LGU personnel bilang mga pangunahing benepisyaryo.
Para sa North Cotabato, nasa 1,000 housing units naman ang itatayo roon, na ibibigay sa mga kapos-palad na pamilya.
Patuloy namang nananawagan ang kalihim sa mga Local Chief Executives na makipagtulungan sa pamahalaan para sa pagtatayo ng murang pabahay para sa mga Pilipinong hirap magkaroon ng sariling tahanan.
Mahalaga aniya ang tulong ng bawat LGU dahil sa sila ang nakakaalam sa tunay na kalagayan ng mga residente sa kanilang mga lugar .