Inirekomenda ni dating Supreme Court associate justice Antonio Carpio na magsagawa ng mas marami pang civilian activities sa West Philippine Sea at panagutin ang China sakaling harangin nito ang mga legal na operasyon ng bansa sa sarili nitong exclusive economic zone.
Ginawa ng dating mahistrado ang naturang rekomendasyon sa isang pulong bakitaan sa Maynila kung saan sinabi din nito na nag pagsasagawa ng civilian activities ay magpapaigting pa sa paggigiit ng karapatan ng PH sa mga karagatan ng bansa na inaangkin ng China.
Ipinaliwanag din ni Carpio na kung sakaling gumawa ng agresibong aksiyon ang Vhina para harangin ang Pilipinas sa pagsasagawa ng lehitimong aktibidad gaya ng isinasagawang rotation at resupply mission ng PH sa WPs, sinabi nito na maaaring dumulog ng tulong ang PH mula sa international community para pagtibayin ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Matatandaan na makailang beses ng hinarangan ng mga barko ng China ang resupply missions ng PH para sa mga tropang Pilipino na nakaistasyon sa isinadsad na military outpost ng bansa sa Ayungin shoal na BRP Sierra Madre.
Bagamat pinapangunahan ng civilian ships at PCG ang resupply mission, hindi maaaring gamitin ng bansa ito bilang kaso laban sa China dahil maiuuri pa rin itong military activity.
Kung kayat nagrekomenda ang dating mahistrado ng mga dapat na gawin ng pamahalaan laban sa mga panghaharass ng Chinese vessels sa mga aktibidad ng bansa sa WPS.