Nagpatupad ng mga panibagong hakbang ang city government ng Beijing para ma-contain ang outbreak ng COVID-19 kamakailan halos dalawang linggo bago ang hosting nila ng Winter Olympic Games.
Siyam na locally transmitted cases ang naitala sa Beijing noong Enero 22, ayon sa National Health Commission, kung saan anim ang nasa Fengtai District.
Kaya naman ang Fengtai ay mag-organisa ng nucleic acid tests para sa COVID_19 sa lahat ng mga residente nito.
Umaapela rin ang mga awtoridad sa mga residente ng mga maituturing na “risky areas” na huwag na munang umalis sa lungosd.
Umapela rin ang lungsod ng Beijing sa kanilang residente na maging proactive sa pagsasagawa ng nucleic acid tsts kung makaranas sila ng sintomas ng COVID-19 sa loob ng 14 na araw. (Reuters)