-- Advertisements --

Isinusulong ng Department of Migrant Workers (DMW) na gawing mas maikli ang employent contract ng mga overseas Filipino worker sa oras na ipagpatuloy ang deployment ng manggagawang Pilipino sa Saudi Arabia sa Nobiyembre 7 ngayong taon.

Ito ay kabilang sa mga concerns na idinulog ni DMW Secretary Susan Ople sa isinagawang bilateral talks sa mga labor officials ng Saudi Arabia.

Ayon kay ople, mula sa dalawang taon planong gawing isang taon nalamanh ang kontrata ng mga OFWs na may kasamang probisyon na extension ng employment dpende sa consensus ng manggagawa at ng employer.

Saad pa ni Ople na isa ito sa ikinonsidera sa paglagda ng Memorandum of Understanding para sa paglaban ng trafficking sa mga indibdiwal, pag-imbestiga at paglilitis sa mga offenders at pagbibigay na rin ng suporta para sa mga biktimang OFWs.

Paliwanag ni Ople na mas vulnerable ang mga OFWs sa pang-aabuso kapag matagal ang kanilang kontrata dahil nakakulong ang mga ito sa dalawang taong employment contract.

Ikinokonsidera ng DMW na magdeploy ng quality workers para maiwasan ang kaso ng maltreatment, labor abuse at runaway workers.

Sa parte ng Saudi Arabia Ministry, nangako ito sa pag-review ng proposal para mapaikli ang kontrata ng mga OFWs na nagtratrabaho sa Kingdom of Saudi Arabia.