Hinikayat ng dalawang grupo ang mga LGU na dapat ipatupad ang mahigpit na pagbabawal sa pagbebenta ng mga produktong tobacco malapit sa mga paaralan upang maprotektahan ang mga kabataang Pilipino mula sa pinsala ng paninigarilyo.
Umapela ang Action on Smoking & Health (ASH-Philippines) at ang EcoWaste Coalition sa mga lokal na awtoridad na mahigpit na ipatupad ang Tobacco Regulation Act of 2003, na nagbabawal sa pagbebenta ng mga produktong tobacco sa loob ng 100 meters mula sa perimeter ng mga paaralan, o iba pang pasilidad dinadalaw ng mga menor de edad.
Sa ilalim ng batas, ang mga lalabag ay may multang hanggang P5,000 o pagkakakulong ng hanggang 30 araw.
Sinabi ni Action on Smoking & Health-Philippines President Maricar Limpin na ang pagpapatupad ng pagbabawal ay magpapadala ng isang malinaw na mensahe sa mga kabataan at sa pangkalahatang publiko tungkol sa mga panganib ng paninigarilyo at vaping.
Gayundin, ang matatag na desisyon ng bansa na protektahan ang mga kabataan mula sa paggamit ng tabako at pagkakalantad sa second-hand smoke.
Ayon sa grupo, ang paninigarilyo ng kabataan ay nagdudulot ng malubhang panganib sa kalusugan ng paghinga kapwa sa maikli at mahabang panahon.
Ang mga batang naninigarilyo ng dalawa hanggang anim na beses ay mas madaling kapitan ng ubo at pangangapos ng hininga kaysa sa mga hindi naninigarilyo.
Nagbabala ang Action on Smoking & Health at ang Ecowaste coalition sa mga kabataan maging ang punliko na gumagamit ng regular na gawi sa paninigarilyo na mas malaki ang panganib na magkaroon ng kanser sa baga o sakit sa puso.