Iowa Gov Kim Reynolds
Iowa Gov. Kim Reynolds
-- Advertisements --

IOWA, USA – Nilagdaan na ni Iowa Gov. Kim Reynolds ang panukala para sa paghihigpit laban sa mga abosadong pulis sa kanilang nasasakupan.

Sentro ng bagong batas ang pagmamalabis ng ilang pulis sa paghuli sa mga lumalabag sa ordinansa, ngunit ginagamitan ng matinding pahirap ang mga dinarakip.

Pipigilan na rin ang mga sinibak na pulis sa paghawak pa ng ibang tungkulin, lalo na kung nasangkot ito sa anumang paglabag sa police protocols.

Ang paghihigpit na ito ay bunsod ng pagpatay ng isang pulis sa black American na George Floyd.

Dahil sa nasabing hakbang, inaasahang magsusunuran na rin ang iba pang estado para hindi na maulit ang pangyayari. (CNN)

-- Advertisement --