-- Advertisements --
comelec

Dodoblehin pa ng Commission on Elections ang ipinaiiral nitong paghihigpit sa darating na National at Local Elections sa taong 2025.

Paliwanag ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia na kinakailangan talagang magdoble kayod ng komisyon sa paghihigpit sa naturang halalan sapagkat mas maraming mga pasaway sa tuwing panahon ng national at local elections.

Ito aniya ay bahagi lamang ng pagpapatunay ng komisyon na seryoso ang poll body sa paglilinis ng eleksyon sa bansa sa pamamagitan yan ng pagsasampa ng sandamakmak na mga disqualification cases at election offense cases sa mga kandidatong hindi sumusunod sa mga panuntunang itinakda ng komisyon.

Matatandaan na ngayon pa lang ay todo na ang paghihigpit ng Comelec para sa isinasaayos nitong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa darating na Oktubre 30, 2023.