-- Advertisements --

Umapela ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Senate Commitee on Ways and Means ng mas mahabang transition period bago ang pagpapatupad ng House Bill 9171 o Excise Tax on Plastic Bags.

Ayon kay acting director Manuel Cruz, ito ay upang mabigyan ng pagkakataon na makapag-adjust ang mga industriyang maaapektuhan nang nasabing kautusan kabilang na ang mga local manufacturers at kanilang mga manggagawa na gumagamit ng plastic sa packaging ng kanilang mga produkto.

Binigyang linaw naman ito ni DTI Consumer Protection and Advocacy Bureau Director Marcus Valdez II at ibinahagi rin ang ganitong gawain sa ibang bansa kung saan inilalagay sa papel ang binibiling karne ng mga mamimili.

Aniya, maaari rin daw na gawin ito sa ating bansa ngunit iginiit na mahalaga ang transition period ukol dito upang mapaghandaan ito ng mga mga vendor at consumers.

Matatandaan na Disyembre noong nakaraang taon nang aprubahan ng mga kinauukulan ang House Bill 9171 na nagllayong magpataw ng Php20 sa kada kilo ng singil sa mga single-use plastic bag na ginagamit sa mga supermarket, malls, tindahan, sales outlet, at iba pang mga establisyemento.