Inirekominda ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga supermarkets na palawigin ang kanilang operating hours upang sa gayon ay mabigyan ng sapat na oras ang mga mamimili na sa pagbili habang mahigpit na sinusunod ang social distancing.

Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, inirekominda na niya ito sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Sinabi ni Lopez na kapag iniklian ng mga supermarkets ang kanilang store hours ay nagkukumpol naman ang mga tao dahil kaunti lamang ang window hours ng mga ito para mamili.

Nauna nang hinimok ng DILG ang mga local government units na alisin ang window hours para makapamili naman ang kanilang mga nasasakupan.

Bawse sa patakaran na inilabas ng IATD, isang katao lamang ang pinapayagan na makalabas ng bahay para makapamili.