Opisyal na hiniling ni Ombudsman Samuel Martires sa Senado at sa Kamara na bawasan ang P51-milyong confidential at intelligence fund ng kanyang opisina sa P1 milyon lamang para sa taong 2024 at 2025.
Ginawa ni Martires ang kahilingan sa pamamagitan ng magkahiwalay na liham na may petsang Oktubre 6, 2023, na naka-address kay House Appropriations chair Zaldy Co at Senate Finance chair Sonny Angara, na isinapubliko ngayong Miyerkules, Oktubre 11.
Binigyan ng mga kopya ng liham sina House Speaker Martin Romualdez at Senate President Juan Miguel Zubiri.
Aniya, alinsunod sa kanyang naunang pahayag tungkol sa usapin, nais nitong opisyal na hilingin na sa kabila ng mga tungkulin nito sa pagsisiyasat, ang Tanggapan ng Ombudsman ay laanan lamang ng halagang Isang Milyong Piso para sa Confidential and Intelligence Fund (CIF) nito sa FYs 2024 at 2025 hanggang sa matapos ang termino nito sa panunungkulan bilang Ombudsman.
Matatandaan na nauna niyang sinabi kay Senate minority leader Koko Pimentel na kung makakasira lamang ito sa reputasyon at integridad ng kanyang opisina, mas mabuti na aniyang wala siyang confidential funds sa kanyang termino sa panunungkulan.