-- Advertisements --

Naagaw kay Jerwin Ancajas ang kanyang IBF junior bantamweight championship title, na mula noong 2016 pa niyang hawak.

Ito ay matapos na talunin si Ancajas ni Fernando Martinez ng Argentina sa kanilang umaatikabong bakbakan sa Las Vegas ngayong araw ng Linggo.


Binigyan ng mga hurado ang laban ng 117-111, 118-110, 118-110 na score, lahat pabor sa 30-anyos na Argentinian na ngayon ay ang siyang bago nang world champion.