-- Advertisements --

Pinalawig pa ng Ukraine ang ipinatupad nilang martial law ng hanggang 90 days na magtatapos sa Nobyembre 15.

Ito ay dahil sa posibilidad na pagkakaroon ng parliamentary elections sa buwan ng Oktubre.

Ipinatupad ng Ukraine ang Martial law noong Pebrero 24, 2022 isang araw matapos ang ginawang pag-atake ng Russia.

Makailang beses na itong pinalawig hanggang ng ilang buwan.

Sa nasabing panuntunan ay ipinagbabawal ang mga 18 hanggang 60-anyos na mga lalaki na umalis palabas sa kanilang bansa.

Sa buwan naman ng Marso sa susunod na taon isasagawa ang presidential elections.