Kung si Foreign Affairs Sec. Teddyboy Locsin Jr. daw ang tatanungin, hindi kailangang pagbawalan ang mga dayuhan na mag-marine survey sa mga karagatang sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ito ang tugon ng kalihim matapos maulat na may ilang Chinese research vessels ang namataang naglalayag sa West Philippine Sea.

Para kay Locsin, mas magiging epektibo kung mga Pilipino ang mangunguna sa pagsasaliksik.

Inamin ng DFA secretary na sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), hindi maaaring magpataw ng ban ang Pilipinas sa marine survey ng mga dayuhan.

Pero may karapatan daw ang estado na tumangging magbigay ng otoridad sa mga bansang magnanais maglayag sa teritoryo ng estado.

“We can’t join their ships as just passengers; foreigners turn over command and control, all data gathering facilities, the entire enchilada to Filipinos. OR NO PERMISSION AND/OR BAN STAYS—WHATEVER IT IS SINCE FUCKING NO KNOWS. BUT THE EFFECT IS NO FOREIGN SURVEY SHIP IN OUR EEZ,” ani Locsin.

Ayon naman sa maritime expert na si Dr. Jay Batongbacal, tanging may-ari lang ng barkong maglalayag ang dapat bigyan ng otoridad at hindi ang bansang pinanggalingan nito.

Hindi naman daw kasi lahat ng research vessels ay maituturing na pag-aari ng gobyerno ng isang bansa.

“Agree that Filipinos should not be mere passengers. Such conditions may be imposed as part of consent procedure.”