Sinuspinde ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang passenger ship safety certificate ng MV Maria Helena, na sumadsad umano sa Romblon na may sakay na 93 pasahero at 36 na crew.
Ayon kay MARINA Regional Office IV chief Rizal Victoria, hindi pa nito matukoy kung hanggang kailan ang nasabing suspensyon.
Dagdag pa niya, ang nasabing sasakyang pandagat ay sasailalim sa isang masusing inspeksyon sa kaligtasan ng MARINA Inspector/Surveyor upang matukoy ang seaworthiness condition bago alisin ang suspensyon, kung kinakailangan.
Binanggit ni Victoria ang Domestic Shipping Development Act of 2004, Ship Survey System (3S), Memorandum Circular No. MS 2023-01, at Administrative Order No. 11-19 para sa pagsususpinde.
Kung matatandaan, sumadsad umano ang MV Maria Helena malapit sa baybayin ng Banton, Romblon pasado hatinggabi noong Linggo matapos pumutok ang gulong ng isa sa mga rolling cargoes.
Una na rito, ligtas naman ang lahat ng pasahero matapos ang naganap na insidente.