-- Advertisements --
seaferers
Cadets from a maritime school in Dasmarinas Cavite listens to a program in their school. Report said that Philippine government is now fully-compliant to standards set by the European Maritime Safety Agency.Photo by:NONIE REYES

Inihayag ng Maritime Industry Authority (MARINA) na hindi kailangang matakot ang mga Filipino seafarers para sa kanilang mga trabaho sa mga barkong may bandera ng European Union (EU).

Sinabi ni Sonia Malaluan, MARINA OIC deputy administrator for planning, na hinihintay pa rin ng ahensya ang desisyon ng European Maritime Safety Agency (EMSA) sa pagsunod ng Pilipinas sa training, certification at watchkeeping standards ng EU para sa mga marino.

Naipasa na ng MARINA ang tugon nito sa agency noon pang Marso, na kinabibilangan ng mga repormang ipinatutupad nito sa pagsubaybay sa mga maritime school at training center—ang lugar na pinakapinupuna ng audit ng ahensya sa Europa.

Dagdag pa nito na ang desisyon ng European Maritime Safety Agency (EMSA) kung ipagbabawal o pahihintulutan ang mga Pilipino na magpatuloy sa paglilingkod sa mga sasakyang pandagat ng EU ay maaaring lumabas sa 2023.

Kaya, wala dapat aniyang ikakaalarma sa ngayon.

Sa dami umanong dokumentong na kanilang ipinasa noong Marso, matatagalan sila sa pagsusuri at pagtatasa kung katanggap-tanggap ang kanilang mga ipinasa.

Nasa 200 pages ng main document, at daan-daang mga supporting documents ang kanilang ipinasa sa ahensiya.