-- Advertisements --

Pinaburan ng maritime experts ang hakbang ng Department of Foreign Affairs (DFA) na araw-araw na maghain ng diplomatic protest laban sa China, dahil sa nananatiling mga barko ng higanteng bansa sa West Philippine Sea.

Ayon kay PH Association for Chinese Studies president Rommel Banlaoi, tama ang ginagawa ng DFA dahil bagama’t kalmadong hakbang ang paghahain ng protesta, may diin din ito para sa bigat ng mga argumento at ang araw-araw na pagsusumite ng reklamo sa Beijing.

Maging si dating DFA Sec. Albert del Rosario ay kontento sa mga hakbang ngayon ni DFA Sec. Teddyboy Locsin Jr.

Gayunman, mahalaga pa rin daw na may iba pang options ang gobyerno para mapanindigan ang hawak nating ruling ng arbitral tribunal ukol sa West Philippine Sea.

Habang sinabi naman ni Dr. Chester Cabalza, president ng International Development and Security Cooperation, na batay sa mga pagkilos, interesado ang China na maging leading maritime power sa rehiyon.

Kaya mahalagang marinig ang pag-alma ng Pilipinas, upang upang hindi tayo maging sunod-sunuran sa kagustuhan ng higanteng bansa.