Dapat na raw iakyat ng pamahalaan sa United Nations General Assembly ang maritime dispute ng Pilipinas sa China.
Ito ang mungkahi ni dating Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario sa gitna ng panibagong issue sa pagitan ng dalawang bansa at mga pinag-aagawang teritroyo.
Ayon kay Del Rosario, hindi patas ang patuloy na pambubully ng Beijing sa estado bilang kapalit ng mga kasunduang nilagdaan ng dalawang bansa sa nakalipas na tatlong taon.
“For a full 3 years, we had endeavored to deal with Beijing on a bilateral basis resulting in our being bullied, harassed and intimidated. We are obviously no match for this Goliath who intends to have us for breakfast, lunch and dinner,” ani Del Rosario sa isang statement.
“Before we get shoved around any further leading us to irreversible consequences, it is imperative for us to adopt a multilateral approach.”
Makabubuti umano kung iko-konsidera ng pamahalaan ang multilateral approach at hindi lamang dumepende sa mga tugon ng China sa bawat apela ng Pilipinas.
Kamakailan nang aminin ni DFA Sec. Teddyboy Locsin Jr. na naghain ng magkahiwalay na protesta ang bansa sa Beijing kaugnay ng Chinese vessels sa Pag-asa Island, at pagdaan ng warships sa karagatan ng Tawi-Tawi.