Itinalaga bilang acting spokesperson ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Public Affairs Office chief Marine Col. Edgard Arevalo.

Ito ang inihayag ni former AFP spokesman M?Gen. Restituto Padilla kasabay ng kanyang pagpapaalam sa Defense Press Corps.

Ayon kay Padilla, iiwanan niya ang kanyang dating puwesto upang gampanan ang kanyang pangunahing katungkulan bilang J5 o Deputy Chief of Staff for Plans and Programs.

Si Padilla ay na-promote sa naturang katungkulan tatlong buwan na ang nakalilipas, pero nanatili siyang spokesperson sa loob ng panahong ito.

Kasabay nito, pormal ding nanungkulan si Col. Arevalo na siyang assistant deputy chief of staff for Civil Military Operations o J7, bilang acting deputy chief of staff for Civil Military Operations, kasunod ng pagreretiro ni Major General Melquiades Feliciano.

Ang change of Chief of Office ceremonies kung saan ipinasa ni AFP deputy chief of staff Vice Admiral Narciso Vingson kay Arevalo ang office symbol ng J7 ay isinagawa sa General Headquarters ng Camp Aguinaldo noong Biyernes.