-- Advertisements --

Naglabas na ng “no sail order” ang Marine Industry Authority (MARINA) sa shipping company na nag-mamay-ari ng MV Mercraft 2 na nasunog sa katubigan ng Real, Quezon nuong Lunes kung saan pitong indibidwal ang nasawi.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Engr. Manny Carpio, Regional Director, ng MARINA regional office IV, kaniyang sinabi na suspendido na ngayon ang operasyon ng iba pang barko na nagmamay-ari ng MV Mercraft 2.

Sa ngayon, gumugulong na ang parallel maritime safety investigation sa pagitan ng MARINA at Philippine Coast Guard (PCG).

Layon nito para mabatid ang puno’t dulo o circumstances ng insidente na humantong sa pagkasunog ng barko.

Indefinite ang suspension order na inilabas ng MARINA sa shipping company na operator ng MV Mercraft 2.

Samantala, kapag napatunayang may pananagutan ang kapitan ng MV Mercraft 2, matatanggalan na ito ng lisensiya, ayon kay Engr. Carpio.

Sa ngayon sinabi ni Carpio, suspendido na ang seamans book o lisensiya ng kapitan maging ang 9 na crew nito.

Kapag mapatunayang may pananagutan ang shipping company hindi lamang sila matatanggalan ng lisensiya at prankisa kundi mahaharap pa sa kasong criminal ang may-ari at operator ng barko.

Kaya paalala ng MARINA sa mga shipping company sumunod sa life safety requirements at maging sa maritime regulations.