Kinumpirma ni Marikina City Mayor na inaprubahan na ng Department of Health (DOH) ang itinayo nilang Molecular Diagnostic Laboratory para sa mga magpapa-test ng COVID-19.
Ayon sa Marikina City Public Information Office, sa susunod na linggo ay magiging full operational na ang nasabing pasilidad.
Sinabi naman ni Mayor Teodoro na may basbas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang testing center.
Pinapa-fast track na rin daw ng IATF sa DOH ang accreditation ng pasilidad.
Naka-pwesto ang testing center ng Marikina sa isang dalawang palapag na gusali sa Brgy. Concepcion Uno.
May kapasidad daw ito na mag-proseso ng 400 tests kad araw, gayundin na may mga naka-standby din na ambulance units ang pasilidad para kumuha ng samples sa mga ospital.