-- Advertisements --

Hinimok ni Marikina Mayor Maan Teodoro ang Department of Public Works and Highways pati Department of Environment and Natural Resources na makipagtulungan sa lokal na pamahalaan. 

Sa liham ipinadala ng alkalde kina Sec. Vince Dizon at Sec. Mitch Cuna, nais nitong maisaalang-alang ang proteksyonng mga punong maapektuhan sariling imbestigasyon gagawin Marcos Highway-St. Mary Avenue Bridge Project. 

Bagama’t kinikilala ang kahalagahan na mapabuti ang koneksyon, daloy ng trapiko, at kakayahan lalo na sa tuwing may baha, binigyang diin ng alkalde ang pagiging responsable sa pangangalaga ng kalikasan. 

Tinataya kasing nasa higit 500-puno at halaman ang maaring madamay sa proyektong nais maisakatuparan kung kaya’t nanawagan magkaroon ng ugnayan at pagsasagawa ng mga hakbang maibsan lamang mga epekto ng proyekto. 

Mungkahi niya na ipatupad ng wasto ang ‘earthballing’ at paglilipat ng mga punong kinakailangan alisin alinsunod sa pamantayan. 

Kung kaya’t umaasa na kasabay sa proyektong imprastruktura ay maiibsan din ang epekto sa kalikasan at mapangalagaan ang ‘urban landscape’ ng lungsod.