Natanggap na ng Marikina City ang accreditation ng Department of Health (DOH) para sa kanilang testing facility ng COVID-19.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, simula bukas, May 1, ay maaari nang mag-operate ang laboratoryo bilang certified facility ng COVID-19 testing.
Dahil dito, 20 na ang sertipikadong pasilidad sa bansa na pwedeng mag-test ng mga suspect at probable cases.
Sa kasaluyan, naglalaro sa pagitan ng higit 2,000 at higit 6,000 ang testing capacity ng mga accredited laboratory testing facility sa bansa kada araw.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, may kapasidad na 400 tests per day ang kanilang pasilidad.
Kung maaalala, ilang beses hindi pinayagan ng DOH na mag-operate ang Marikina testing lab dahil hindi umano pasok sa biosafety standards ang inisyatibo ng lungsod.