-- Advertisements --

Ipinagbabawal pa rin ng Marikina City government ang pag-inom ng mga residente nito sa ilang piling lugar kahit lifted na ang liqour ban sa lungsod.

Ayon kay Mayor Marcelino Teodoro, sa ilalim ng Ordinance No. 64, pwede na muling magbenta ng alak ang mga tindahan at grocery sa Marikina simula May 16, Sabado.

Pero mahigpit na ipinagbabawal muna ng alkalde ang pag-iinom sa mga pampublikong establisyemento tulad ng restaurant at bars.

“The public is advised to consume alcoholic drinks only inside their residence while observing social distancing measures and other health and safety protocols.”

Simula nitong Sabado ipinatupad na ang modified enhanced community quarantine sa Marikina bilang nasa ilalim ito ng National Capital Region.