Patuloy ang panghihikayat ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa mga local chief executives na magkaroon na ng fully streamlined at digitalized na electronic Business One-Stop Shop (eBOSS).
Pinakahuling mga lungsod na nabigyan ng ARTA ng Certificate of Commendation (COC) dahil sa pagpapatupad ng nasabing programa ay ang Marikina City at ang Lapu-Lapu City sa Cebu.
Ang Marikina ay siyang pangpitong LGU sa Metro Manila na pinarangalan ng ARTA habang ang Lapu-Lapu City ay unang LGU sa labas ng Metro Manila na nakatanggap ng pagkilala ng ARTA.
Pinangunahan ni ARTA Director General Secretary Ernesto Perez ang pagbibigay ng pagkilala sa nasabing mga opisyal kung saan ang nasabing programa ay isinusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr para mapabilis ang transakyon sa bawat government offices.