Bumuhos ang pagbati para kay Mariel Rodriguez-Padilla, kasunod ng anunsyo nito na siya ay buntis sa baby No. 2 nila ng celebrity husband na si Robin Padilla.

Ayon sa 34-year-old TV host, “timing” ngayong Mother’s Day ang kanyang pagdadalang-tao.

“The perfect Mother’s Day gift 💝 hello baby #2 💕” caption nito sa kanyang larawan.

Una nang inanunsyo ni Mariel sa kinatatampukang noontime show ang pagbubuntis na ngayon ay nasa three months na.

Taong 2016 nang isilang nina Mariel at Binoe ang kanilang panganay na si Isabella.

Nabatid na dalawang miscarriage ang naranasan ng TV host bago ang matagumpay na panganganak.