Nagkibit balikat na lamang si TV-host Mariel Padilla hinggil sa kumakalat na isyung pangangaliwa umano ng kanyang asawa na si Robin Padilla.

Ito ay matapos kumalat sa social media ang litrato ng aktor na may kasamang dalawang babae na sobrang makadikit sa kanya.

Ang paglabas ng nasabing litrato ay habang kasagsagan ng pangangampanya ni Robin sa ilang kaalyado ni President Rodrigo Duterte.

Sa litratong ito, makikita ang isang babae na tila nakaupo sa kandungan ni Robin habang ang isa naman ay naka-angkla sa braso nito habang abot tenga ang kani-kanilang mga ngiti.

Nagbahagi naman ng iba’t ibang reaksyon patungkol dito ang mga netizens dahil maaari raw na makasama ang isyung ito kay Mariel at sa kanyang ipinagbubuntis.

Sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ng tv host na magpost ng picture nilang mag-asawa na nagpapakita kung paano siya alagaan ni Robin.

Diretsahan niya rin sinagot ang isang netizen na nag comment sa naturang litrato na bakit parang ayos lang kay Mariel ang naglalabasang isyu na maaaring sumira sa kanilang relasyon.

Ayon kay Mariel, kahit ano pa raw na isyu ang ibato sa kanila ay mas matatag pa rin daw ang samahan nila bilang mag-asawa.