Marian Rivera
Dingdong Dantes IG post

Bumuhos ang pagbati sa mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa paglabas ng kanilang ikalawang anak.

Sa kaniyang Instagram account nagpost ang actor ng larawan ng kaniyang asawa habang katabi ang bagong silang na lalaki.

Lumabas ito dakong 1:35 p.m. nitong Martes.

Isinunod ng mag-asawa ang pangalan nito sa actor na at ito pinangalanang Jose Sixto G. Dantes IV.

Unang inanunsiyo ng dalawa ang pagbubuntis ng actress noong Setyembre.

Mayroon ng anak na babae ang dalawa na si Zia na isinilang noong 2015.

Ilan sa mga nagpaabot ng pagbati ay mga kapwa kasamahan ng dalawa sa showbiz industry.