Nagningning si Mariah Carey sa kanyang “The Celebration of Mimi” concert sa Manila nitong Martes ng gabi.
Isa sa mga kasuotan na ginamit ni Mariah ay isang mini dress na likha ng Pilipinong designer na si Michael Cinco. Literal na kumislap ang singer dahil sa mga palamuting perlas na disenyo sa kanyang sout.
Ginanap ang concert sa Mall of Asia Arena, kung saan inawit ni Mariah ang kanyang top hit song na “All I Want for Christmas Is You” para sa kanyang mga tagahangang Pilipino.
Samantala, matatandaang noong Setyembre 2024 ay maagang binati ni Mariah ang kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng isang website kung saan maaaring mapakinggan ang kanyang kanta na “All I Want for Christmas Is You.”
Sa kasalukuyan, umabot na sa 2 bilyong streams sa Spotify ang nasabing kanta.