-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Inatasan umano ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr Sandahang Lakas ng Pilipinas partikular ang Philippine Army na pag-iibayuhin pa ang focused military operation laban sa lahat ng mga grupo na banta sa seguridad lalo ang Communisty Party of the Philippines na mayroong arm wing na New People’s Army (CPP-NPA) sa bansa.

Ito ay upang mapadali ang nais ng commander-in-chief na ‘shift of defense’ ng Armed Forces of the Philippines para maka-pokus na sila sa external forces na maaring malaking banta sa pangkalahatan na seguridad sa bansa.

Sinabi ito ni Philippine Army commanding officer Lt Gen Romeo Brawner Jr kaugnay sa nalalapid na paggunita ng mga rebelde ng kanilang anibersaryo sa Marso 29 nitong taon.

Inihayag ng punong heneral na kung tuluyan nang mapabagsak ang lahat ng armadong mga kilusan na nakipaglaban sa gobyerno ay agad gusto mangyari ni Marcos ang pagpapalakas ng state forces para sa territorial defense ng bansa.

Una nang sinabi ni Marcos na dapat mas ‘flexible’ ang AFP dahil naiiba na ang uri ng labanan pagdating sa isyu ng external security.