-- Advertisements --

Nagpahayag ng suporta ang isang grupo ng Marcos loyalists para kay Executive Secretary Victor Rodriguez.

Sa gitna ito ng umugong na usap-usapan ng pagbibitiw ni Rodriguez mula sa kaniyang panunungkulan.

Sa isang pahayag na inilabas ng Filipino League of Advocates for Good Governance (FLAG) – Maharlika, lead convenor Aio Bautista, naging biktima lang daw si Rodriguez ng fake news at disinformation.

Aniya, paraan ito ng kalaban upang sirain ang samahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kaniyang mga kakampi matapos na mabigo ang mga ito na pigilan ang pamilya Marcos sa pagbalik sa Malakanyang.

Samantala, kaugnay nito ay nanawagan naman ang grupo sa publiko, partikular na sa mga tagasuporta ng pangulo, na huwag basta-basta maniwala sa fake news at mga sabi-sabi at bagkus ay magpatuloy at magkaisa pa sa pagsuporta sa kampanya ni PBBM na pagkakaisa para sa bayan.